By Ria Bautista | Sister

Thank you for sharing stories about my brother. I keep forgetting he’s a doctor. I never usually thought of him that way. All I know is he’s Nicko my fun-loving younger brother who shares my passion for music and video games.

Yung masasabi mong “magkapatid nga kami.”

May time kasi na sya yung bunso pati sa mga pinsan namin tas sya lang din lalaki so lagi syang “saling kit” sa mga laro. Lagi namin syang niloloko.

4 kaming babae: ako, sister ko, at dalawa naming pinsan. Charades pa nga laro namin noon pag summer tas hindi naman sya marunong pero pinipilit nyang sumali kaso walang may gustong ka-teammate sya haha hay those summer days were the best.

Sya yung unang lalaki sa 3rd gen Bautistas that time so naturally, everyone was fond of him pero hindi sya lumaking pasaway o spoiled.

In fact, ang sweet nya. Lagi syang may hugs for everyone. Napalaki sya ng maayos at mahusay. Ang cliché magsalita ng ganito about someone who passed away but he really turned out to be an amazing guy. A source of positivity and light.

Nakakataba ng puso malaman na hindi lang pala kaming pamilya ang nakakita at nakaranas ng mga bagay na yon tungkol sa kanya kundi ang dami palang iba. Ang dami nyang taong natulungan at na-inspire. Ang daming taong nakaalala at humanga sa kanya.

Knowing him, I’m pretty sure inaasar na nya ako ngayon ng “Hay Ate Ria ano ba yan tama na yang kaka-drama jusko. Pati ba naman dito sa Twitter haha. Move on na life goes on. Happy lang dapat.” Sabay tawa. He had an infectious laugh.

I wish we had more time. That’s my only regret. That I didn’t spend more time with him. I was wrong to be complacent, I was wrong to think that he would always be there and that time was in our hands. It’s not. This is a hard learned lesson.

I know eventually things will get better and that I’ll learn to forgive myself but for now, kapit lang.

Photo taken from the Facebook page of Nicko Bautista.